Alok ni Chavit, P2M: Patunayang may jueteng sa Ilocos Sur
July 2, 2005 | 12:00am
Hinamon kahapon ni Ilocos Sur Governor Chavit Singson ang kanyang mga detractors na patunayang may jueteng sa Ilocos kasabay ng pagbibigay ng pabuyang P2 milyon sa mga makapagpapatunay na may operasyon ng jueteng sa kanyang hurisdiksiyon.
"I will give P1 million to anyone who cann point to me where jueteng is being operated in Ilocos Sur. The other P1 million would be a bonus for (Lingayen-Dagupan) Archbishop Oscar Cruz," ani Singson.
Ang pahayag ay reaksiyon ni Singson sa mga nalathala sa mga pahayagan base sa sinabi ni Cruz na ang Ilocos Sur ay isa sa apat na lalawigan na may jueteng na tinukoy ng arsobispo na "back with a vengeance."
"There is no jueteng in Ilocos Sur. Ive checked with the police authorities there and my local executives and they have assured me there is no jueteng in my province," paliwanag ni Singson.
Sinabi ng gobernador na hindi niya malaman kung saan nakuha ni Cruz ang nasabing ulat na nagpapatuloy ang jueteng sa kanyang lalawigan.
Gayunman, malakas ang paniwala ni Singson na ang impormasyong nakalap ni Cruz ay nakuha sa kampo ni dating Pangulong Joseph Estrada kung saan itinuro nito si Jinggoy Estrada na tinagurian nitong "anak ng jueteng".
"I am very sure all these disinformation is coming from Jinggoy, the one and only anak ng jueteng. Now that he is a senator, he wants to exact revenge on those who helped bring down his father by also causing their downfall through the same route the jueteng route," sabi pa ni Singson. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest