^

Bansa

Empleyadong sasali sa mga rali, sibak!

-
Posibleng maharap sa kasong administratibo at pagkasibak sa trabaho ang sinumang kawani ng gobyerno kapag sumama sa mga kilos-protesta, ito ang ipinahayag kahapon ng Civil Service Commission (CSC).

Ito’y matapos makatanggap ng report ang Southern Police District Office na ilang empleyado ng Makati City Hall ang puwersahang pinasama sa rally kahapon para hilingin ang pagpapatalsik kay Pangulong Arroyo.

Pinangunahan ni Makati Mayor Jejomar Binay ang kilos-protesta ng tinatayang 20,000 katao na isinagawa sa area ng Central Business District (CBD) ng mga militanteng grupo at oposisyon.

Ayon sa report, inutusan umano ang ilang empleyado ng Makati City Hall Office at barangay officials na iwanan ang kani-kanilang trabaho para sumama sa pag-aaklas, na kinumpirma naman ng ilang kawani na pinasama nga sila sa rally.

Ngunit mariin namang itinanggi ng Public Information Office (PIO) ng Makati City Hall ang naturang impormasyon at wala aniyang pinalabas na kautusan si Mayor Binay na sumama sa rally ang mga ito.

Sa panig ng CSC, sa sinumang kawani ng gobyerno ay mariing pinagbabawal na iwanan ang kanilang mga trabaho para lamang sumama sa mga kilos-protesta. Maaari silang maharap sa kasong administratibo na may parusang suspension at pagkasibak sa trabaho.

Sinabi ni Director Jose Soria, ng Mamamayan Muna ng CSC, kakastiguhin nila ang mga kawaning ito kung mayroong magrereklamo sa kanilang tanggapan tulad ng mga taxpayer. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

CENTRAL BUSINESS DISTRICT

CIVIL SERVICE COMMISSION

DIRECTOR JOSE SORIA

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY HALL

MAKATI CITY HALL OFFICE

MAKATI MAYOR JEJOMAR BINAY

MAMAMAYAN MUNA

MAYOR BINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with