^

Bansa

Bishop Cruz nakatanggap ng P10-M suhol at bala

-
Isiniwalat kahapon ni Archbishop Oscar Cruz na tinangka siyang suhulan ng P10-M tseke ng isang tao na malapit umano kay Pampanga Rep. Mikey Arroyo kapalit ng kanyang pananahimik sa jueteng payola isyu.

Ipinakita ni Bishop Cruz ang isang tseke ng BPI-Atrium, Makati City branch na ipinadala sa kanya ng isang Rodolfo Izon III, na sa pagkakaalam niya ay anak o kapatid ng isang Paolo Izon, na konektado kay Rep. Arroyo noong ito ay vice-governor pa ng Pampanga.

May kasama pang sulat na nagsasabing "cool" ka lang sa jueteng isyu at magkakaroon ka ng "grand lifestyle" sa tseke na may petsang May 12, 2005.

Sa pagtanggi ng Obispo na ihulog ang tseke, ang naging kapalit daw nito ay ang pagsampa naman ng demanda laban sa kanya ng isang James Aquino at mga death threats na may kasama pang bala.

Sinabi pa ni Cruz, na tuluyan na din daw umatras ang isa niyang testigo, isang opisyal ng pamahalaan, na siyang magsasabi na may kinalaman ang mga matataas na opisyal ng gobyerno sa jueteng dahil na rin sa pananakot.

"Mayroon akong kasama ngayong umaga na siyang magtuturo kung hanggang saan umaabot ang payola, kaya lang he give in to the pressure and threats kaya hindi siya makapagsalita para ‘di rin mapahamak ang kanyang pamilya", ayon sa Obispo. (Ulat ni Rudy Andal)

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

BISHOP CRUZ

CRUZ

JAMES AQUINO

MAKATI CITY

MIKEY ARROYO

PAMPANGA REP

PAOLO IZON

RODOLFO IZON

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with