Sorry ni GMA katapangan - solons
June 29, 2005 | 12:00am
Sama-samang nagpahayag ng buong suporta ang mga kongresista sa matapang at tapat na pag-amin at paghingi ng paumanhin ni Pangulong Arroyo sa taumbayan hinggil sa pagkakasangkot sa isyu ng kontrobersiyal na Hello Garci tape.
Sa isang pahayag, sinabi ni Parañaque Rep. Eduardo Zialcita na saludo siya sa katapangang ginawa ng Pangulo na harapin at sagutin ang isyu at lalong naglapit sa kanya sa sambayanan na patuloy ang pananalig at pagtitiwala sa kanyang layunin na mabigyan ng magandang buhay ang mamamayan.
Naniniwala si Zialcita na ginagamit lamang ng oposisyon ang iligal na kinopyang pribadong pag-uusap upang sirain ang administrasyon at mabigyang buhay ang matagal nang pangarap na makuha ang pampulitikang kapangyarihan.
Ipinagdiinan pa ng kongresista na ang layunin ng oposisyon sa paggamit sa tape ay upang mapalaya ang nakakulong na si dating Pangulong Estrada at maibalik ito sa kapangyarihan.
Hinikayat naman ni Bulacan Rep. Lorna Silverio ang oposisyon na tigilan na ang kanilang panawagang civil disobedience at sa halip ay tulungan na lamang ang Pangulo na maibigay sa taumbayan ang mga kinakailangang reporma at programa.
Ipinakita anya ng Pangulo ang kanyang pagiging tunay na lider dahil pinili nitong maging totoo at tapat sa taumbayan sa pagsagot sa isyu.
Naniniwala naman si Tarlac Rep. Jesli Lapus na nasa kalagayang walang patutunguhan si Pangulong Arroyo kundi ito nagsalita sa taumbayan.
Aniya, hindi kaya ng bansa na mawala ang pagkakataon na maiahon ang ekonomiya sa pamamagitan ng mga nailatag na reporma dahil lamang sa mga mapangahas na pamumulitika.
Ipinagdiinan pa ni Lapus na makakamtan ng sambayanan ang tunay at pangmatagalang pagbabago sa pagtatapos ng termino ng Pangulo sa taong 2010. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended