Iggy habol ng BIR
June 25, 2005 | 12:00am
Pinagpapaliwanag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si Negros Occidental Rep. Iggy Arroyo dahil sa umanoy hindi tamang pagbabayad ng buwis ng pitong taon.
Ayon sa BIR, si Rep. Iggy ay may kabuuang asset and liabilities na P286 milyon at inako pa ang bank asset ni Jose Pidal na naglalaman ng P40 milyon, bukod pa sa dalawang gusali sa San Francisco, USA.
Alinsunod sa batas, sinabi ng BIR na ang may kalahating milyong asset ay may katumbas na 32% na buwis o P160,000.
Lumalabas na dapat ay may mahigit P140 milyon ang babayaran ni Iggy sa pamahalaan, subalit lumilitaw na wala pang P15,000 kada taon ang naibabayad sa buwis ng naturang kongresista mula taong 1998.
Binigyang-diin ni BIR Commissioner Guillermo Parayno na kahit kapamilya pa ni Pangulong Arroyo ay hindi nila sasantuhin at pagbabayarin ng batas kung mapapatunayang nandadaya. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
11 hours ago
Recommended