^

Bansa

'Army' ni Abat lulusob sa Malacañang sa Hunyo 25

-
Tuloy ang martsa ng bayan!

Ito ang matapang na reaksyon kahapon ni dating Defense Secretary ret. Gen. Fortunato Abat matapos itong sampahan ng kasong sedisyon na kaugnay ng planong pamumuno sa People’s March sa darating na Hunyo 25, 2005 upang kalampagin ang administrasyon sa "Hello Garci" scandal.

Sa isang phone interview, sinabi ni Abat na hindi siya kayang takutin ng inihaing kasong sedisyon ng pamahalaan para lamang iurong ang kanilang panawagan para sa pagbibitiw ni Pangulong Arroyo dahilan umano sa pandaraya nito noong 2004 elections.

Ikinatwiran ni Abat, chairman ng Coalition for National Solidarity, na hindi saklaw ng sedisyon ang panawagan ng kanilang grupo na bumaba sa puwesto ang Pangulo dahil sa kapalpakan nito sa pamamalakad sa gobyerno na nag-ugat sa dinaya umanong resulta ng eleksiyon dahil sa ilalim ng batas ay pinahihintulutan ang karapatang ito.

"That's (calls for resignation) part of the constitutional right, part of the Constitution. There are a lot of other people asking her to resign. Why single me out," mariing pagkuwestiyon pa ng 80-anyos na si Abat.

Ang grupo ni Abat ay nagpaplanong magsagawa ng People’s Summit sa isang hotel sa Quezon City sa Biyernes bilang bahagi ng ilulunsad na People’s March. Nanindigan din ito na tuloy ang martsa patungo sa Malacañang ng kanyang grupo kahit na magpalabas pa laban sa kanya ng arrest warrant ang korte. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABAT

BIYERNES

DEFENSE SECRETARY

FORTUNATO ABAT

HELLO GARCI

HUNYO

JOY CANTOS

NATIONAL SOLIDARITY

PANGULONG ARROYO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with