Apela ni Barbers vs Biazon binasura ng SC
June 23, 2005 | 12:00am
Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang kahilingan ni dating Sen. Robert Barbers na ipawalambisa ang proklamasyon ng Comelec kay Senador Rodolfo Biazon.
Sa 21-pahinang desisyon ng SC en banc, hindi nito inaksiyunan ang apela ni Barbers dahil sa wala silang hurisdiksiyon na pakialaman ang nasabing kaso. "The alleged invalidity of Biazons proclamation involves a dispute or contest relating to the election returns of members of the Senate. Indisputably, the resolution of such dispute falls with the sole jurisdiction of the Senate Electoral Tribunal (SET)," ani pa ng SC.
Nilinaw ng SC na tanging ang SET ang siyang maaaring duminig sa mga election contest laban sa mga senador.
Ipinaliwanag ng SC na dapat isinampa muna ni Barbers ang kanyang apela sa SET bago sila maaaring kumilos para tingnan kung may naging pagkakamali sa ilalabas nitong desisyon.
Bukod dito, ipinaliwanag pa ng SC na walang naging pagkakamali nang agad ideklarang panalo si Biazon kahit hindi pa tapos ang bilangan at special elections sa ilang lalawigan. Malinaw umano na may kapangyarihan ang poll body na magdesisyon kung sino ang nanalo kahit hindi pa tapos ang bilangan kung mapapatunayan na hindi na mauungusan ang lamang ng isang kandidato. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended