Isang dating sakristan na diumanoy newspaper correspondent ang dumulog kahapon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) upang ireklamo ng sexual abuse si Cruz.
Sa pahayag ni James Aquino, 38, ng Pangasinan inabuso umano siya noong mga taong 1988 at 1989 habang siya ay naninilbihang sakristan sa Baguio City.
Ibinunyag pa ni Aquino na si Cruz ay isa umanong sabungero, malakas mag-casino, sangkot sa illegal na droga, jueteng at may dalawang anak na itinatago sa publiko.
Sa 13-pahinang sinumpaang salaysay ni Aquino, pinagsamantalahan siya noong Hunyo 2-3, 1988 sa isang hotel sa Baguio City matapos umanong magsugal ang arsobispo sa Casino Filipino noon ay 18-anyos pa lamang siya.
Naulit ito noong Agosto 12-13, 1989 kaya nagpasya itong kumalas subalit pinakiusapan siya nito na huwag sasabihin kahit kanino kapalit nito ang pangakong payayamanin siya at pag-aaralin kaya pumayag umano ito na magpagamit kay Cruz.
Nakahanda anya iyang patunayang totoo ang lahat ng kanyan akusasyon kay Cruz dahil sa mayroon siyang iba pang mga ebidensiyang ihaharap sa sandaling maghain ito ng kaso sa Department of justices (DOJ) sa Lunes.
Samantala, agad namang itinanggi ni Cruz ang naturang paratang at sinabing hindi niya kilala ang complainant.
Pinagtawanan nito ang paglantad ni Aquino na bahagi lamang anya ng paninira sa kanyang pagkatao upang matigil ang kanyang kampanya laban sa jueteng.
Kumbinsido ang arsobispo na ang nasa likod ng paglutang ni Aquino ay ang mga taong kanyang nasagasaan.
Aniya, naway patawarin ng Panginoong Diyos si Aquino sa pagsisinungaling at paninirang-puri sa isang alagad at opisyal ng Simbahan. (Ulat Nina Grace Dela Cruz, Gemma Garcia At Ellen Fernando