PGMA nahirapan sa HK investors
June 21, 2005 | 12:00am
Nahirapan si Pangulong Arroyo na makumbinsi ang mga investors mula sa Hong Kong dahil na rin sa kontrobersyang kinasasangkutan ng Arroyo administration sa isyu ng jueteng at mahiwagang GMA-Garci tape na umanoy ebidensiya ng dayaan sa nakaraang eleksyon.
Inamin ni Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye na masyadong nakaapekto ang isyu ng jueteng at taped scandal upang mahikayat ng Pangulo ang mga HK investors na mamuhunan sa Pilipinas.
Sa pakikipagharap ng Pangulo sa isang luncheon meeting sa mga HK businessmen sa pangunguna ni Dr. Victor Fung, tinalakay nito ang economic achievements ng Pilipinas at ang mga oportunidad ng negosyo para sa mga foreign investments.
Inilatag at ipinagmalaki din ng Pangulo sa business communities ang economic reform agenda at ang specific action na ginagawa nito upang suportahan ang key growth sectors ng ekonomiya at ang oportunidad ng mga negosyante na mamumuhunan sa bansa.
Nagkaroon naman ng isang kondisyon sa pakikipag-usap ng Pangulo sa anti-corruption adviser na si dating HK Independent Commission Against Corruption Mr. Tony Kwok bago nito tuluyang mahikayat ang mga business leaders.
Sinabi ni Kwok, dapat ay tiyakin muna ng Arroyo administration na malinis sa katiwalian ang gobyerno upang mahikayat ang mga Hong Kong businessmen na mag-invest sa Pilipinas.
"These discussions are a vital opportunity for me to talk to international investors about significant progress we have made bringing reforms to the Philippines and what remains to be done," wika pa ng Pangulo.
Natuwa naman ang mga business leaders sa determinasyon at pagsusumikap ng Pangulong Arroyo na maisulong ang ating ekonomiya sa kabila ng mga pagbatikos sa kanyang administrasyon at bantang destabilisasyon. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended