Bukod sa nasabing 240 condo units ay may lima pang on-base housing sites na inaprubahan si Pangulong Arroyo.
Ang nasabing on-base housing sites ay para sa mga sundalo sa Cagayan de Oro City; Camp Riego de Dios sa Trece Martirez City, Cavite; Camp Tinio sa Cabanatuan City, Nueva Ecija; Camp Lapu-Lapu sa Cebu City at Fort del Pilar sa Baguio City.
Babayaran sa loob ng 20 taon sa halagang P11,000 bawat buwan ang condo. (Ulat ni Joy Cantos)