Martial Law sa June 21 kumalat sa text!
June 18, 2005 | 12:00am
Mistulang bombang kumalat sa mga text messages ang umanoy plano ng administrasyon ni Pangulong Arroyo na magdeklara ng alinman sa martial law at state of emergency bago o mismong Hunyo 21 sa gitna na rin ng lumalabas na panawagang bumaba ito sa puwesto.
Base sa kumalat na text messages "Confirmed. Please pass to as many people. GMA will declare martial law on or before June 21."
"Larry Mendoza and Berroya to command SOTs (Special Operations Teams). 500 Bushmaster automatic weapons for Berroyas hit squads have arrived. If the plan is exposed, baka matakot si GMA. Ikalat na. The plan includes closing mass media and all cellphones. There is some resistance in the AFP, for sure, key personalities will be arrested," pahayag ng text.
Ang ikalawang mensahe ay tumutukoy kay Transportation and Communications Secretary Leandro Mendoza at ret. Police Director Reynaldo Berroya, LTO-NCR Chief Reynaldo Berroya.
"Flash report: GMA met all AFP top brass last night and plan to declare state of emergency the generals are buying the idea so that all retirable will be extended. Ermita, Tiglao and Gonzalez were present. There will be anarchy in the street if that will happen. Kawawang Pilipino. Please pass," anang isa pang text messages.
Ang Hunyo 21 ang ibinigay na ultimatum ni dating AFP chief of staff ret. Gen. Fortunato Abat sa Pangulo na huling araw nito sa Malacañang.
Gayunman, pinabulaanan ng Palasyo ang ulat na pagdedeklara ng martial bilang panghuling option ng Presidente upang walang makaagaw sa kanyang puwesto. (Ulat nina Joy Cantos/Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest