Tax evasion vs DA sec.,
June 17, 2005 | 12:00am
Kinasuhan ng tax evasion sa Department of Justice (DoJ) sina Department of Agriculture Secretary Arthur Yap at ama nitong si Domingo H. Yap bunsod ng pagkabigo umano ng mga ito na mag-file ng witholding tax returns at mabayaran ang tamang buwis sa loob ng taong 1997-1999.
Nabigo din umano ang mga Yap na mabayaran ang documentary stamp tax sa pagbebenta ng property ng mga ito na umaabot sa halagang P4,003,315.22. Ang mag-amang Yap ay mga opisyal ng DHY Realty.
Sa reklamong isinumite ng BIR, sinabi nito na bumili ng lupa ang mag-amang Yap na may hawak na 3,176 sq. meter mula sa isang Carlota Mendoza sa Pasig City na nagkakahalaga ng P20.6M noong 1997. Ngunit, binili umano ng mga Yap ang nasabing lupa sa mas mababang halaga kumpara sa orihinal na halaga nito.
Ipinaliwanag ni BIR Commissioner Guillermo Parayno na dapat ay nagbayad ang DHY Realty ng P3.7M bilang creditable witholding tax at P923,818.90 sa documentary stamps.
Samantala, mahigpit na itinanggi ni Sec. Yap na may pagkukulang sila sa pagbabayad ng buwis. Aniya, hindi pa niya nakikita ang nasabing kaso ngunit kung ito aniya ay kaugnay sa nabili ng kanilang kumpanyang DHY Realty and Development Inc. sa Pasig noong 1977 ay ang nagbenta ng property ang dapat na nagbabayad ng buwis at hindi ang bumili nito.
"Ang umanoy utang sa buwis hinggil sa nasabing bentahan at utang ng kumpanya ay hindi sa akin. Walang katotohanan na ako ang may pananagutan sa batas. Kailanman ay hindi ko kinaligtaan ang aking obligasyon na magbayad ng tamang buwis sa pamahalaan at ito ay mapapatunayan sa aking isinumiteng tamang assets and liabilities at income tax return", sabi ni Yap.
Matagal na aniya niyang binitawan ang anumang pag-aari, interest o posisyon sa kumpanya ng kanilang pamilya. (Ulat nina Angie dela Cruz/Grace Amargo-dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest