^

Bansa

Libel pa vs Cam ikakasa ni Mikey

-
Hindi pa kuntento sa naunang libel case na isinampa laban kay baglady Sandra Cam, isa na namang kasong libelo ang inihahanda ng abogado ni Presidential son at on-leave Pampanga Rep. Juan Miguel "Mikey" Arroyo laban sa una.

Ang ikalawang libel case ay ibabase sa inihayag ni Cam sa programang Pipol ng Channel 21 o ANC news channel kung saan inihayag nito na nagtangka siyang suhulan ng mga taong malalapit kay Mikey at Negros Occidental Rep. Ignacio "Jose Pidal" Arroyo na iatras ang testimonya sa Senado.

"After we review the tape and get an exact transcription of her new false and malicious imputations against Congressman Arroyo, we will be filing a fresh count of criminal libel against Mr. Cam," pahayag ni Atty. Grace Maduramente.

Sinabi ng abogado ni Mikey na pawang kasinungalingan at malisyoso ang mga inihayag ni Cam laban kay Mikey at ‘Jose Pidal’.

Samantala, sinabi ni Surigao del Norte Rep. Robert "Ace" Barbers na kalahating buwang suweldo lamang ang makukuha ni Mikey ngayong buwan mula sa regular na sahod nitong P33,000 matapos maghain ng indefinite leave bilang kinatawan ng Pampanga.

Babawasan na rin ang P250,000 buwanang allowance nito pero ipagpapatuloy ang pagpapasuweldo sa kanyang mga staff.

Posible rin aniyang magtalaga si House Speaker Jose de Venecia ng ‘caretaker’ sa distrito ni Mikey habang naka-leave ito katulad nang ginawa noon sa distrito ng namayapang si Quezon City Rep. Reynaldo Calalay na pansamantalang hinalilian ni Quezon City Rep. Nanette Castelo-Daza. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

CONGRESSMAN ARROYO

GRACE MADURAMENTE

HOUSE SPEAKER JOSE

JOSE PIDAL

JUAN MIGUEL

MALOU RONGALERIOS

MIKEY

MR. CAM

QUEZON CITY REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with