Sinamahan si Pidal ng kanyang abogadong si Atty. Antonio Zulueta sa pagsasampa ng kaso.
Kung mananalo sa kaso, ido-donate umano ni Pidal ang makukuhang pera sa kanyang mga constituents sa Negros Occidental.
Ipinaliwanag ni Arroyo na isinampa niya ang kaso sa kanyang lalawigan dahil doon siya nakatira.
Sa kanyang sinumpaang salaysay kay Asst. Provincial Prosecutor Elvita Maglasang, sinabi ni Arroyo na naapektuhan pati ang kanyang pamilya sa isiniwalat ni Cam na tumanggap siya ng payola mula sa jueteng sa loob mismo ng Batasan Complex.
"I, my wife and my family suffered and continue to suffer social humiliation, sleepless nights, mental anxiety and tarnished reputation," ani Arroyo.
Nais ni Arroyo na magbayad si Cam ng P5 milyon para sa moral damages, P5 milyon para sa exemplary damages, at P1 milyon para sa Attorneys fee.
Sinabi ni Zulueta na hindi sakop ng immunity ni Cam ang inihayag nito sa national television.
Nauna rito, magugunitang nagsampa rin ng kaso laban kay Cam, si Pampanga Rep Mikey Arroyo na pinangalanan ding tumanggap ng pera mula sa jueteng. (Ulat ni Malou Rongalerios)