^

Bansa

P11-M libel vs Cam isinampa ni 'Pidal'

-
Sinampahan kahapon ng P11-milyong libel suit ni Negros Occidental Rep. Ignacio Arroyo Jr., na kilala rin bilang Jose Pidal si jueteng baglady Sandra Cam sa Provincial Prosecutor’s Office ng Bacolod City, Negros Occidental.

Sinamahan si ‘Pidal’ ng kanyang abogadong si Atty. Antonio Zulueta sa pagsasampa ng kaso.

Kung mananalo sa kaso, ido-donate umano ni ‘Pidal’ ang makukuhang pera sa kanyang mga constituents sa Negros Occidental.

Ipinaliwanag ni Arroyo na isinampa niya ang kaso sa kanyang lalawigan dahil doon siya nakatira.

Sa kanyang sinumpaang salaysay kay Asst. Provincial Prosecutor Elvita Maglasang, sinabi ni Arroyo na naapektuhan pati ang kanyang pamilya sa isiniwalat ni Cam na tumanggap siya ng payola mula sa jueteng sa loob mismo ng Batasan Complex.

"I, my wife and my family suffered and continue to suffer social humiliation, sleepless nights, mental anxiety and tarnished reputation," ani Arroyo.

Nais ni Arroyo na magbayad si Cam ng P5 milyon para sa moral damages, P5 milyon para sa exemplary damages, at P1 milyon para sa Attorney’s fee.

Sinabi ni Zulueta na hindi sakop ng immunity ni Cam ang inihayag nito sa national television.

Nauna rito, magugunitang nagsampa rin ng kaso laban kay Cam, si Pampanga Rep Mikey Arroyo na pinangalanan ding tumanggap ng pera mula sa jueteng. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ANTONIO ZULUETA

BACOLOD CITY

BATASAN COMPLEX

IGNACIO ARROYO JR.

JOSE PIDAL

MALOU RONGALERIOS

NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS OCCIDENTAL REP

PAMPANGA REP MIKEY ARROYO

PIDAL

PROVINCIAL PROSECUTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with