Sa nakuhang intelligence report ng Malacañang, nagsasagawa na ng hakbang ang ilang maimpluwensiyang personalidad mula sa oposisyon at nakikipag-usap na sa mga foreign embassies na nasa bansa upang hilingin na saluhin si Ong at mabigyan ito ng asylum, isang tirahan para sa isang taong nasa panganib at nangangailanagan ng pagkakanlong.
Kasalukuyang pinamamanmanan ng Palasyo ang galaw ni dating National Labor Relations Commission (NLRC) chief Roy Señeres na isa sa gumagamit ng kanyang impluwensiya bilang dating ambassador upang makuha ang ayuda ng ilang pinuno ng embahada para kumanlong kay Ong,
Si Señeres ay isinangkot ng Arroyo administration na isa sa mga nagsusulong ng destabilisasyon laban sa gobyerno matapos na mabunyag na nakikipagpulong sa ilang opisyal ng Estados Unidos para sa planong pagpapabagsak sa Pangulo, dahilan para magbitiw ito sa NLRC. (Ellen Fernando)