^

Bansa

Asylum kay Ong niluluto

-
Kumikilos na umano ang ilang kapanalig ng oposisyon upang makakuha ng asylum ang self-confessed source ng wiretapped audio tape na si ex-NBI Deputy Director Samuel Ong upang matiyak ang kanyang kaligtasan sa gitna ng hakbang na siya ay aarestuhin ng gobyerno.

Sa nakuhang intelligence report ng Malacañang, nagsasagawa na ng hakbang ang ilang maimpluwensiyang personalidad mula sa oposisyon at nakikipag-usap na sa mga foreign embassies na nasa bansa upang hilingin na saluhin si Ong at mabigyan ito ng asylum, isang tirahan para sa isang taong nasa panganib at nangangailanagan ng pagkakanlong.

Kasalukuyang pinamamanmanan ng Palasyo ang galaw ni dating National Labor Relations Commission (NLRC) chief Roy Señeres na isa sa gumagamit ng kanyang impluwensiya bilang dating ambassador upang makuha ang ayuda ng ilang pinuno ng embahada para kumanlong kay Ong,

Si Señeres ay isinangkot ng Arroyo administration na isa sa mga nagsusulong ng destabilisasyon laban sa gobyerno matapos na mabunyag na nakikipagpulong sa ilang opisyal ng Estados Unidos para sa planong pagpapabagsak sa Pangulo, dahilan para magbitiw ito sa NLRC. (Ellen Fernando)

vuukle comment

DEPUTY DIRECTOR SAMUEL ONG

ELLEN FERNANDO

ESTADOS UNIDOS

KASALUKUYANG

KUMIKILOS

MALACA

NATIONAL LABOR RELATIONS COMMISSION

ONG

ROY SE

SI SE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with