Panawagang pagpapatalsik kay PGMA sinupalpal
June 12, 2005 | 12:00am
Naniniwala ang mga lider sa Kamara de Representantes na ang tahasang suportang ibinigay ng Amerika sa liderato ni Pangulong Arroyo ang nagbasura sa panawagan at hangarin ng oposisyon na agawin ang pampulitikang kapangyarihan.
Ayon kina House committee on bases and conversion chairman Edwin Uy at Deputy Speaker for Mindanao Gerry Salappudin, malinaw na sinupalpal ng international community ang mga ambisyon ng oposisyon na makaupo sa Palasyo.
Ipinagdiinan ni Uy at Salapuddin na magiging inutil ang ginagawang pakana na sirain ang pagtitiwala ng taumbayan sa naging resulta ng nakalipas na halalan dahil malinaw naman na nakisawsaw sa isyu ang kamay ng oposisyon matapos na aminin ng dating abogado ni dating Pangulong Estrada na siya ang namahagi sa dinoktor na 'taped conversation'. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest