Mikey rumesbak kay Cam!

Sinampahan na kahapon ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo ng P5 milyong kaso ng libel ang jueteng baglady na si Sandra Cam kasunod ng pahayag ng huli sa hearing ng Senado na personal niyang inabot ang P500,000 jueteng payola sa anak ng Pangulo.

Sa press statement ni Mikey, tinawag niyang "reyna ng kasinungalingan" si Cam. Anya, malisyoso at nakakasira sa isang personalidad na tulad niya ang pahayag ni Cam na tumanggap siya ng payola mula kay ret. Supt. Restituto Mosqueda. "I do not know Sandra Cam. I do not remember having spoken to or communicated with her," ani Mikey.

Isinampa ni Mikey ang P5 milyong libel case sa City Prosecutors Office sa San Fernando, Pampanga kahapon ng umaga. Kung magiging matagumpay aniya ang inihain niyang kaso, ilalaan niya ito sa mga ‘charitable institutions’ sa kanyang lalawigan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

Show comments