^

Bansa

Ex-CIDG chief sabit sa jueteng – DOJ

-
Nakatakdang ipatawag ng Department of Justice (DOJ) si dating PNP-Criminal Investigation and Detection Group chief, Gen. Nestorio Gualberto matapos makatanggap ng impormasyon na sangkot ito sa operasyon ng jueteng sa ilang mga lalawigan.

Ipinaliwanag ni DOJ Sec. Raul Gonzalez na isinama na niya ang pangalan ni Gualberto sa talaan ng mga personalidad na sangkot sa jueteng issue at anumang araw ay ipapatawag ito ng Anti-Jueteng Task Force para mabigyan ng pagkakataon na maihain ang kanyang depensa at pabulaanan ang mga akusasyon laban sa kanya.

Nabatid ng DOJ na si Gualberto umano ang tumatayong bangkero o financier sa operasyon ng jueteng sa Palawan at Nueva Vizcaya.

Si Gualberto ang dating opisyal ng PNP-CIDG na itinuro ng akusadong si Philip Medel Jr. na nagpahirap sa kanya para aminin umano ang pagpatay sa aktres na si Nida Blanca at idawit si Rod Strunk sa krimen. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ANTI-JUETENG TASK FORCE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DEPARTMENT OF JUSTICE

GUALBERTO

NESTORIO GUALBERTO

NIDA BLANCA

NUEVA VIZCAYA

PHILIP MEDEL JR.

RAUL GONZALEZ

ROD STRUNK

SI GUALBERTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with