Death penalty sa smuggler aprub na sa Kamara

Pumasa na kahapon sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang anti-smuggling na magpapataw ng pinakamabigat na parusang kamatayan sa mga smugglers na magpapasok ng kontrabando sa bansa na nagkakahalaga ng P50 milyon.

Sinabi ni Tarlac Rep. Jesli Lapus, chairman ng House committee on ways and means na makakatulong ng malaki sa bansa ang nasabing panukala dahil siguradong umaabot sa P150 bilyon ang nawawalang buwis sa gobyerno taun-taon dahil sa smuggling.

Kabilang sa probisyon ng panukala ang paggamit ng "revision order" upang malaman ang tunay na halaga ng imported products at ang mahigpit na superbisyon sa mga warehouse.

Gagamitin namang ‘prima facie’ evidence ang mga produktong hindi inideklara ang tamang halaga o hindi tamang produkto. (Ulat ni Malou Rongalerios)

Show comments