Customs chief Lina isinabit sa jueteng
June 9, 2005 | 12:00am
Malamang ipatawag si Bureau of Customs Commissioner Bert Lina sa imbestigasyon sa Senado dahil nakakaladkad ang pangalan niya sa jueteng operator sa Laguna.
Ayon sa isang miyembro ng komite na dumidinig sa jueteng scandal, ang involvement ni Lina sa jueteng ay common knowledge sa Laguna at lumalabas na malaking isda si Lina pagdating sa naturang illegal numbers game.
Sinabi ng impormante na humiling ng anonymity, na pinag-aaralan na ng komite ang pagpapatawag kay Lina sa Senado.
Sa isang ralated development, kasalukuyan din umanong namomoroblema si Lina dahil bagsak ang first quarter collection ng BOC sa ilalim ng pamumuno niya.
Lubhang prohibitive umano ang taas ng sinisingil ni Lina sa mga importers para sana ipantakip nito sa kakulangan ng koleksyon ng ahensiya.
Bukod sa pagiging BOC commissioner, si Lina din ang may hawak ng Fedex franchise sa bansa.
Samantala, isang "white paper" ang kumalat sa media ngayon na nag-uugnay kay Batangas Rep. Hermilando Mandanas sa jueteng at sa ibat ibang uri ng katiwalian.
Partikular na iniuugnay si Mandanas kay Batangas Governor Arman Sanchez, hinihinalang gambling lord sa Batangas na kakutsaba nito sa pagpapatakbo ng jueteng sa nasabing lalawigan.
Pinabulaanan naman ni Mandanas ang akusasyon na nagdadawit sa kanya sa jueteng at sa pagiging malapit nito kay Sanchez dahil ito aniyay black propaganda lamang.
Hinihinala nito na ang white paper ay nagmula sa kalaban sa politika, ilang malalapit na tao kay First Gentleman Mike Arroyo, sa PAGCOR at DOF na umanoy pinagmulan ng nasabing liham. (Ulat nina Rudy Andal/Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 13 hours ago
By Doris Franche-Borja | 13 hours ago
By Ludy Bermudo | 13 hours ago
Recommended