Sa ginanap na press briefing sa Camp Aguinaldo, kinilala ni AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Buenaventura Pascual ang nasabing mga retiradong heneral na kasalukuyang isinasailalim sa surveillance operations na sina ret. Major Gen. Fortunato Abat, ret. Commodore Ismael Aparri at ret. Brig. Gen. Angel Sadang.
Si Abat ang isa sa mga lider ng Federation of Retired Commissioned and Enlisted Soldiers (FORCES), si Aparri ang spokesman ng Young Enlisted Soldiers na kinabibilangan ng Retired Military for Soliditary (Yes Arms) at si Sadang naman ang kumakatawan sa Generals for Constitution.
"Were cautious of their statements... their activities are being monitored", pahayag ni Pascual sa Camp Aguinaldo reporters.
Bagaman hindi direktang isinangkot ng opisyal ang tatlong nabanggit sa pangre-recruit ng mga sundalo sa destabilization plot ay ang mga ito umano ang nagpalutang ng mga iskandalo upang magsipag-aklas ang mga kasapi at opisyal ng AFP.
Kabilang sa mga nasabing isyu ay ang multi-million pathway project sa loob ng Camp Aguinaldo na inaprubahan ni AFP Chief of Staff Gen. Efren Abu at ang Boracay military resort. (Ulat ni Joy Cantos)