Teddy Benigno pumanaw na

Pumanaw na kahapon sa edad na 81 ang dating Press Secretary at kolumnista ng Philippine STAR (kapatid ng pahayagang Pilipino Star Ngayon), na si Teddy Benigno matapos na maratay ng ilang linggo sa Makati Medical Center dahil sa sakit na liver cancer. Isinugod sa ospital ang dating kalihim noong Mayo 11. Ang labi ay ibuburol sa Magallanes church.

Si Benigno ay nagsilbing kalihim sa Office of the Press Secretary ng panahon ng Aquino administration. Nagpahayag naman ng kanyang pakikiramay si Pangulong Arroyo sa pagpanaw ni Benigno.

Sinabi ng Pangulo na malaking kawalan si Benigno dahil sa taglay nitong talino, dedikasyon at may natatanging pananaw sa pagsisilbi sa publiko. (Ulat ni Ellen Fernando)

Show comments