Ayon kay Joel Fabello, president ng OneGen Marketing Services, hindi umano makatarungan ang ipinapalabas na babala ng DTI at Direct Selling Association of the Philippines kaugnay sa pakikipag-transact sa kompanya bagamat wala namang isinasagawang imbestigasyon laban sa OneGen at wala ring natatanggap na summon mula sa DTI.
Ipino-protesta ng OneGen ang news report na nagmula sa DTI laban sa kanila at ilan pang marketing at networking companies na pinagsususpetsahang lumalabag sa Article 53 ng Consumers Act.
Ang OneGen ay isang insurance company na kilalang nagbebenta ng Motorist and Vehicle Protection (MVP) Privilege Card na kasalukuyang mayroon ng 250,000 card holders sa loob lamang ng dalawang taon sa industriya. Wala ring hinihinging sales quota o membership fee para sa mga distributors ang kompanya na isang common practice ng pyramiding schemes.
Iginiit ng OneGen na dapat na maglabas ng official guidelines ang DTI para madaling malaman ng publiko ang pyramidng scam at hindi basta na lamang maglabas ng pahayag na lubhang makakasira sa isang lehitimong negosyo.