^

Bansa

DTI binira sa negatibong ulat vs OneGen firm

-
Hiniling kahapon ng isang insurance marketing firm sa Department of Trade and Industry na maging maingat sa paglalabas ng negatibong pahayag laban sa kanilang kompanya.

Ayon kay Joel Fabello, president ng OneGen Marketing Services, hindi umano makatarungan ang ipinapalabas na babala ng DTI at Direct Selling Association of the Philippines kaugnay sa pakikipag-transact sa kompanya bagama’t wala namang isinasagawang imbestigasyon laban sa OneGen at wala ring natatanggap na ‘summon’ mula sa DTI.

Ipino-protesta ng OneGen ang news report na nagmula sa DTI laban sa kanila at ilan pang marketing at networking companies na pinagsususpetsahang lumalabag sa Article 53 ng Consumers Act.

Ang OneGen ay isang insurance company na kilalang nagbebenta ng Motorist and Vehicle Protection (MVP) Privilege Card na kasalukuyang mayroon ng 250,000 card holders sa loob lamang ng dalawang taon sa industriya. Wala ring hinihinging sales quota o membership fee para sa mga distributors ang kompanya na isang common practice ng pyramiding schemes.

Iginiit ng OneGen na dapat na maglabas ng ‘official guidelines’ ang DTI para madaling malaman ng publiko ang pyramidng scam at hindi basta na lamang maglabas ng pahayag na lubhang makakasira sa isang lehitimong negosyo.

AYON

CONSUMERS ACT

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DIRECT SELLING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

HINILING

IGINIIT

JOEL FABELLO

MARKETING SERVICES

MOTORIST AND VEHICLE PROTECTION

PRIVILEGE CARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with