Isiniwalat ni Rep. Villafuerte na hindi totoong operator ng jueteng si Mayor at isa lamang itong "fixer" kaya may patung-patong na kasong estafa.
Nakaulat na binayaran ng P5 milyon ng isang mambabatas si Mayor upang tumestigo sa imbestigasyon sa jueteng sa Senado.
"If he is really a jueteng operator, how come his checks were bouncing?" ani Villafuerte.
Nauna rito, sinabi ni Mayor na kumikita siya ng P90 milyon isang buwan sa operasyon ng jueteng.
Sinabi ni Villafuerte na hindi dapat paniwalaan ang isang taong manloloko at napatunayang nagkasala sa limang counts ng estafa sa Bicol Regional Trial Court.
Base aniya sa isinagawang background check kay Mayor, ito ay fixer ng isang Ben Barra Aguilar, ang campaign manager ni Lacson sa Albay nitong nakaraang eleksiyon.
"Kapag pumupunta si Lacson sa Albay, sa bahay ni Aguilar siya tumutuloy," ani Villafuerte.
Sinabi pa ni Villafuerte na naniniwala siyang si Lacson lamang ang may pakana ng kontrobersiya sa jueteng. (Ulat ni Malou Rongalerios)