^

Bansa

Boy Mayor 'tuta' ni Ping

-
‘Huwad’ na testigo ni Sen. Panfilo Lacson si Wilfredo "Boy Bicol" Mayor, ang testigong nagsangkot kina Presidential Son Pampanga Rep. Juan Miguel "Mikey" Arroyo at tatlo pang kongresista na tumanggap ng jueteng payola, ayon kay Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte.

Isiniwalat ni Rep. Villafuerte na hindi totoong operator ng jueteng si Mayor at isa lamang itong "fixer" kaya may patung-patong na kasong estafa.

Nakaulat na binayaran ng P5 milyon ng isang mambabatas si Mayor upang tumestigo sa imbestigasyon sa jueteng sa Senado.

"If he is really a jueteng operator, how come his checks were bouncing?" ani Villafuerte.

Nauna rito, sinabi ni Mayor na kumikita siya ng P90 milyon isang buwan sa operasyon ng jueteng.

Sinabi ni Villafuerte na hindi dapat paniwalaan ang isang taong manloloko at napatunayang nagkasala sa limang counts ng estafa sa Bicol Regional Trial Court.

Base aniya sa isinagawang background check kay Mayor, ito ay fixer ng isang Ben Barra Aguilar, ang campaign manager ni Lacson sa Albay nitong nakaraang eleksiyon.

"Kapag pumupunta si Lacson sa Albay, sa bahay ni Aguilar siya tumutuloy," ani Villafuerte.

Sinabi pa ni Villafuerte na naniniwala siyang si Lacson lamang ang may pakana ng kontrobersiya sa jueteng. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

ALBAY

BEN BARRA AGUILAR

BICOL REGIONAL TRIAL COURT

BOY BICOL

CAMARINES SUR REP

JUAN MIGUEL

LACSON

LUIS VILLAFUERTE

MALOU RONGALERIOS

VILLAFUERTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with