Nais ni Teresa "Techie" Ejercito na gawin ang bible study tuwing Miyerkules kung papayagan ng Sandiganbayan.
Kasabay nito, hiniling sa korte ni Sen. Jinggoy Estrada, co-accused ng kanyang ama sa kasong plunder, na payagan siyang magtungo sa Geneva, Switzerland sa Hunyo 10 upang dumalo sa ika-93 sesyon ng International Labor Conference.
Hiniling din ni Jinggoy na payagan siyang magtungo sa Europe partikular sa London, Paris, Rome at Portugal kung saan magsasagawa siya ng konsultasyon sa mga OFWs.
Nais din ni Jinggoy na magtungo sa Amerika para magsalita sa isang seremonya kaugnay sa Philippine Independence.
Plano nitong tumira sa Hyatt Hotel sa Burlingame, San Francisco. Binigyan na siya ng travel authority ni Senate President Franklin Drilon at nais niyang gamitin ang kanyang P100,000 travel bond na nakadeposito pa rin sa korte. (Ulat ni Malou Rongalerios)