4 Pinoy sa Saudi pinugutan
June 3, 2005 | 12:00am
Apat na OFW na sinasabing nakapatay sa kapwa Pinoy ang pinugutan ng ulo sa Saudi Arabia ngunit ang kanilang mga bangkay ay ipinagkakait na ibigay sa kanilang pamilya.
Ayon kay Maita Santiago, sec-gen. ng Migrante International, sinadya umanong itago sa mga mamamahayag ang ginawang pagbitay kina Sergio Aldana, Miguel Fernandez Jr., Wilfredo Bautista at Antonio Alvesa.
Ang apat ang itinuturong responsable sa pagpatay sa biktimang si Jaime dela Cruz.
Ibinunyag ni Santiago na noong Marso 14, 2005 pa pinugutan ng ulo ang apat dahil na rin sa desisyong ipinataw ng Taif Higher Court na pinagtibay naman ng Makkah Tameez Court sa Saudi.
Hindi man lamang umano nakarating sa kaalaman ng media at pamilya ng mga biktima ang ginawang pagpugot sa ulo ng apat.
Inihayag pa ni Santiago na ginawa ang pugutan sa kabila ng pagtanggap na ng blood money ng pamilya dela Cruz at pagkakaroon na ng amicable settlement sa kinakaharap na kaso.
Sinasabing ipinagbili ang lahat ng ari-arian ng pamilya ng apat para ibayad sa pamilya ng biktima gayundin ang nakolektang contributions mula sa Filipino community sa Saudi subalit itinuloy pa rin ang pagpugot.
Nananawagan ang Migrante at pamilya ng apat sa gobyerno partikular sa DFA na piliting makuha kahit ang mga bangkay ng mga pinugutan para man lamang mabigyan ng magandang libing at mapaglamayan. (Ulat ni Mer Layson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am