'No work, no pay' sa pala-absent na kongresista
June 3, 2005 | 12:00am
Upang maresolba ang problema sa quorum dahil sa mga absenerong mambabatas, nais nina Quezon Rep. Lorenzo Tañada III at Cagayan Rep. Manuel Mamba na isama sa rules ng House ang no work, no pay policy sa mga kongresista.
Ayon sa dalawang solon, kalimitang nagiging problema ang mga absenerong congressmen lalo na kung may sesyon. Lugi naman anila ang mga mambabatas na palaging dumadalo sa sesyon.
Kung ang mga ordinaryong manggagawa aniya sa mga pribadong sektor at maging sa gobyerno ay binabawasan ang sahod kapag hindi pumapasok o nagtatrabaho ay dapat ding ganito ang gawin sa mga mambabatas.
Katulad ng mga manggagawa, tungkulin ng mga elected officials ang pumasok at gampanan ang kanilang trabaho. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am