Angara tumestigo sa plunder ni Erap
June 2, 2005 | 12:00am
Tumestigo kahapon si opposition Senator Edgardo Angara sa Sandiganbayan Special Division upang sabihin sa korte na ipinakita sa kanya ni Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson ang listahan ng mga tumatanggap ng jueteng payola kung saan nakalagay ang pangalan ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Iprinisinta ng depensa si Angara upang patunayan na ibinunyag ni Singson ang jueteng payoff matapos tanggihan ni Estrada ang kahilingan nito na sa kanya ibigay ang franchise sa Bingo 2 Ball, ang legal na kapalit ng jueteng sa kanilang probinsiya.
Ang nasabing prangkisa ng Bingo 2 Ball ay ibinigay sa kalaban ni Singson.
Sinabi ni Angara na binisita siya ni Singson sa kanyang farm sa Nasugbu, Batangas noong Setyembre 2000 kung saan ipinakita sa kanya ang listahan ng jueteng. Pero hindi umano pinagtuunan ng pansin ni Angara ang nasabing listahan dahil hindi naman siya interesado.
Si Angara ang dating Agriculture secretary ni Estrada at itinuturing aniya niyang kumpare si Singson dahil inaanak niya sa kasal ang pamangkin nito.
Ang Bingo 2 Ball aniya ay project ni Charlie "Atong" Ang. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest