Sa pagdinig kahapon, iginiit ng mga abogado ni Garcia na dapat matulad ang kanilang kliyente kay dating Pangulong Joseph Estrada na nakadetine sa kanyang villa sa Tanay, Rizal dahil may sakit din ang kanilang kliyente.
Ayon sa mga abogado ni Garcia, mayroon itong Abnea, isang sakit na maaari niyang ikamatay kung hindi matitingnan ng maayos.
Pero sinabi ni Special Prosecutor Dennis Villa-Ignacio na dapat dalhin sa kulungan ng mga sibilyan si Garcia tulad ng NBI detention cell; Quezon City jail; Camp Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna at PNP Camp Crame dahil isa itong retiradong heneral at maituturing ng sibilyan.
Kinontra din ni Villa-Ignacio ang mga abogado ni Garcia na fatal o nakamamatay ang sakit na Abnea dahil isa lamang aniya itong paghihilik. (Ulat ni Malou Rongalerios)