^

Bansa

Garcia kulong sa Camp Crame

-
Matapos mabilanggo ng isang gabi sa tanggapan ng Sheriff ng Sandiganbayan Second Division, inilipat kahapon sa custodial detention center ng Camp Crame si Major Gen. Carlos Garcia.

Sa pagdinig kahapon, iginiit ng mga abogado ni Garcia na dapat matulad ang kanilang kliyente kay dating Pangulong Joseph Estrada na nakadetine sa kanyang villa sa Tanay, Rizal dahil may sakit din ang kanilang kliyente.

Ayon sa mga abogado ni Garcia, mayroon itong Abnea, isang sakit na maaari niyang ikamatay kung hindi matitingnan ng maayos.

Pero sinabi ni Special Prosecutor Dennis Villa-Ignacio na dapat dalhin sa kulungan ng mga sibilyan si Garcia tulad ng NBI detention cell; Quezon City jail; Camp Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna at PNP Camp Crame dahil isa itong retiradong heneral at maituturing ng sibilyan.

Kinontra din ni Villa-Ignacio ang mga abogado ni Garcia na ‘fatal’ o nakamamatay ang sakit na Abnea dahil isa lamang aniya itong ‘paghihilik’. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ABNEA

CAMP CRAME

CAMP STO

CARLOS GARCIA

GARCIA

MAJOR GEN

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

QUEZON CITY

SANDIGANBAYAN SECOND DIVISION

SPECIAL PROSECUTOR DENNIS VILLA-IGNACIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with