^

Bansa

Gonzalez dinepensahan ng Palasyo

-
Dinepensahan kahapon ng Malacañang si Justice Secretary Raul Gonzalez hinggil sa pahayag na maaaring kasuhan ng perjury ang isang testigo sa jueteng kapag napatunayan na nagsisinungaling ito.

Ayon kay Executive Sec. Eduardo Ermita, isang abogado si Gonzalez kaya naiintindihan niya ang batas at alam nito ang kanyang ginagawa bilang hepe ng binuong Task Force Jueteng.

Gayunman, sinabi ni Ermita na pagsasabihan nila si Gonzalez matapos magalit sa kanya ang mga senador ukol sa pagsasalita nito na hindi lusot sa anumang kaso ang sinumang tetestigo sa jueteng gaya ni Wilfredo Mayor.

Sinabi ni Senate President Franklin Drilon na hindi dapat nakikialam si Gonzalez sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado at tila nananakot sa mga testigo na siyang nagiging dahilan upang huwag lumantad ang iba pang witness.

Hiniling kahapon ni Drilon na mag-inhibit si Gonzalez sa pamumuno ng jueteng investigation dahil na rin sa interpretasyon na may kinikilingan ito, at ipalit si Chief State Prosecutor Jovencito Zuño.

Pinasinungalingan naman ni Lingayen Archbishop Oscar Cruz na walang sinumang tao na nasa likod ni Mayor ang binayaran siya upang magsalita.Sinabi ni Cruz na kung pera lamang ang gugustuhin ni Mayor ay mas malaki ang perang makukuha niya kapag hindi siya lumantad. (Ulat nina Ellen Fernando/Rudy Andal)

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCITO ZU

DRILON

EDUARDO ERMITA

ELLEN FERNANDO

EXECUTIVE SEC

GONZALEZ

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

LINGAYEN ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

RUDY ANDAL

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with