Gen. Garcia ipinapaaresto ng Sandiganbayan
June 1, 2005 | 12:00am
Nagpalabas na kahapon ng warrant of arrest ang Sandiganbayan Second Division laban kay dating AFP Comptroller Major Gen. Carlos Garcia kaugnay sa P303.2 milyong plunder case laban sa kanya.
Sa isang pahinang order na nilagdaan ni Associate Justice Edilberto Sandoval, inutusan nito ang court sheriffs na pinamumunuan ni Ed Urieta na arestuhin si Garcia at dalhin sa Sandiganbayan.
Si Garcia ay nakakulong sa Camp Aguinaldo kung saan siya nahaharap sa court martial proceedings. Walang piyansang inirerekomenda para sa plunder case.
Bukod kay Garcia, sinampahan din ng plunder ang asawa nitong si Clarita at ang kanilang tatlong anak na sina Ian Carl Juan Paolo at Timothy Mark pero hindi nagpalabas ng warrant ang korte laban sa kanila.
Kahapon ay agad itinurn-over ng AFP sa custody ng Sandiganbayan si Garcia. (Ulat ni Malou Rongalerios/Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest