^

Bansa

Witness sa jueteng tutuluyan - DOJ

-
Hindi maaaring tumayong testigo ang self-confessed jueteng operator na si Wilfredo Mayor laban sa iba pang jueteng operators.

Ito ang ipinahayag ni Justice Secretary Raul Gonzalez, kung saan, sinabi nito na hindi pa naman napapatunayan o maituturing na si Mayor ang may pinakamaliit na partisipasyon kaugnay sa illegal-gambling sa bansa.

Bukod dito’y, sinabi pa rin ni Gonzales na pawang mga haka-haka o hearsay ang mga ipinapahayag ni Mayor na si Presidential Son Congressman Mikey Arroyo ay sangkot sa jueteng.

Hindi aniya ito maaaring gamiting batayan upang tuluyang paniwalaang tumatanggap nga ng pera mula sa jueteng ang mga nabanggit na opisyal ng pamahalaan dahil wala namang "first hand information" ukol dito si Mayor.

Kasabay nito, inamin ni Gonzalez na hindi maaaring pigilin ng DoJ si Batangas Gov. Armando Sanchez sa nakatakdang paglabas nito ng bansa kahit pa nasa watchlist na ito ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagkakasangkot sa jueteng.

Ipinaliwanag ni Gonzalez na ipina-momonitor lamang ng DOJ ang pagbiyahe ni Sanchez at wala itong balak na harangin ang pagbiyahe ng gobernador. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

ARMANDO SANCHEZ

BATANGAS GOV

BUKOD

BUREAU OF IMMIGRATION

GONZALES

GONZALEZ

GRACE AMARGO

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

PRESIDENTIAL SON CONGRESSMAN MIKEY ARROYO

WILFREDO MAYOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with