Pagbibitiw ng MTRCB chief sinuportahan
May 31, 2005 | 12:00am
Sinuportahan ni Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) board member Fr. Nico Bautista ang panawagan ni Senator Aquilino Pimentel na bakantehin na ni Chairperson Consoliza Laguardia ang kanyang tanggapan.
Sinabi pa ni board member Bautista na kilala ring kritiko ni Laguardia, wala umanong kakayahan si Laguardia na pamunuan ang MTRCB.
Ang reaksyon ni Bautista ay bunsod na rin sa pagpapalabas ni Laguardia ng desisyon kaugnay sa pagsasala ng mga live talk shows sa telebisyon at ang suspension sa mga programa na pinamumunuan ni Bro. Eli Soriano.
Sinabi pa ni Bautista na hindi man lamang nila tinalakay sa kanilang board meeting ang mga nasabing desisyon.
Iginiit pa nito na wala umanong maipakitang Supreme Court decision sa board si Laguardia na ginawa nitong basehan upang itulak ang pagsasala sa mga live talk shows bago ito ipalabas sa telebisyon. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended