Sinabi ni Nelson Ramirez, pangulo ng UFS, natuklasan ng PCG at Maritime Industry Authority na may sapat na basehan ang reklamo ng mga pasahero ng M/V Manila bay.
Natuklasan na maraming operational deficiencies ang nasabing barko bukod sa walang accomodation ladder, safety net, walang certificate of last service ang mga fire extinguiser, walang fire hose ang mga fire boxes at sira din ang lighted bouy box sa Deck A pati na ang mababang kalidad ng lifering bouys ng barko.
Dahil dito, binigyan ng 14 araw ng PCG ang pamunuan ng M/V Manila bay para ayusin ang natuklasang mga defeciencies nito. (Ulat ni Mer Layson)