^

Bansa

Disbarment case vs lawyer sisimulan ng IBP

-
Aaksyunan na ng Integrated Bar of the Phils. (IBP) ang imbestigasyon sa disbarment case na inihain laban sa isang abogado na nasangkot sa land grabbing case sa Cagayan.

Batay sa 4-pahinang reklamo na inihain ng mag-amang magsasaka na sina Rogelio at Jose Malana, hiniling nito na masibak si Atty. Victor Padilla sa roll of attorneys.

Ang naging aksyion umano ni Atty. Padilla ay isa nang paglabag sa kanyang sinumpaang tungkulin na magkaloob ng hustisya. Ito’y dahil sa pananamantala niya umano sa mga walang pinag-aralang mga magsasaka nang sapilitang palayasin sila at lokohin umano upang kamkamin ang isang forest reservation na pinamumuhayan ng mga residenteng mahihirap sa Brgy. Maguirig, Solana, Cagayan.

"Such unlawful abuses of a lawyer desecrate the profession and like cancer, the kinds of lawyer that Atty. Victor I. Padilla is, should be incised from the roll of attorneys, if the dignity and honor of the profession should be maintained," anang complaint.

Sinabi ni Atty. Cristina Layusa, Bar Confidant of the Supreme Court, normal na proseso ang ipatutupad sa kaso ni Padilla.

Kabilang pa sa kasong nakabinbin sa Department of Justice laban kay Padilla ang kidnapping, serious illegal detention, grave threats, grave coercion at incriminating innocent persons.

Bukod kay Padilla, kinasuhan din ng perjury ng mag-amang Malana si Mario Pagulayan, tauhan ni Padilla na nagbigay diumano ng maling testimonya. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

AAKSYUNAN

BAR CONFIDANT OF THE SUPREME COURT

CRISTINA LAYUSA

DEPARTMENT OF JUSTICE

INTEGRATED BAR OF THE PHILS

JOSE MALANA

LUDY BERMUDO

MARIO PAGULAYAN

PADILLA

VICTOR I

VICTOR PADILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with