Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Leopoldo Bataoil, bagaman wala naman silang natatanggap na intelligence report na susunod targetin ng mga teroristang grupo ang Pilipinas ay mas mabuti na ang nakahanda sa lahat ng oras.
Binigyang diin ng opisyal na sa kabila ng pinaigting na kampanya laban sa illegal gambling partikular na sa jueteng ay mananatili ang defense system ng PNP kontra terorismo.
"Our intelligence gathering and sharing with the other intelligence in continuing target hardening of vital installation, key economic zones and people convergence maintained and readiness check of our incident management," ani Bataoil.
Kaugnay nito, inatasan ni PNP Chief Arturo Lomibao si Director Simeon Dizon, Director ng PNP Intelligence Group na ideterminang mabuti ang antas ng banta ng terorismo sa bansa.
Pinaaalerto ni Lomibao ang lahat ng field units ng PNP upang paigtingin pa ang pagpapatrulya at police visibility sa mga palengke, malls at mga terminals. (Joy Cantos )