^

Bansa

Witness lalantad ngayon!

- Nina Rudy Andal at Ellen Fernando -
Inaasahang ihaharap ngayon ni Archbishop Oscar Cruz ang kanyang mga surprise witness upang ibunyag kung sinu-sino ang mga protektor at nakinabang sa jueteng sa isasagawang Senate inquiry hinggil sa isyu ng ilegal na sugal.

Ngayong araw isasalang ang mga testigo sa imbestigasyon ng pinagsanib na puwersa ng Senate committees on games and amusement at public order na pinamumunuan nina Senators Lito Lapid at Manny Villar.

Ayon kay Lapid, wala nang makapipigil pa sa imbestigasyon dahil tuluy-tuloy na ito na magsisilbing daan upang pag-aralan kung dapat na bang gawing legal ang jueteng sa bansa.

Nangangamba naman ang panig ng oposisyon na posibleng sirain lamang ng ilang administration senators ang kredibilidad ng mga testigong haharap tulad ni Bishop Cruz.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, sa umpisa pa lang ay alam na nilang gagamit ng ibang taktika ang pamahalaan para maibagsak ang kredibilidad ng kanilang mga saksi.

Ganito rin umano ang ginawa ng pamahalaan sa testigo niya nang i-expose ang tungkol naman sa multi-million account ni Jose Pidal na ibinibintang kay First Gentleman Mike Arroyo.

Si Arroyo, kasama ang anak na si Pampanga Rep. Mikey Arroyo at kapatid na si Negros Rep. Iggy Arroyo ang sinasabi umanong numero unong protektor ng jueteng sa bansa. Sila rin ang pinatutungkulan ng PNP official na whistle blower na sina M1, M2 at JS7.

Bukod kay Cruz, may sarili rin umanong surprise witness si Lacson, kabilang na ang umano’y dating jueteng lord ng Bicol province.

Nauna nang sinabi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na ang mga testigong sinasabi nina Cruz at Lacson ay walang direktang nalalaman hinggil sa isyu ng jueteng.

Upang maging ‘credible’ sila, dapat tulad din umano sila ni Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson na siya mismong nag-abot ng pera mula sa jueteng sa pinatalsik na Pangulong Joseph Estrada.

Kung wala umano silang direktang partisipasyon para patunayan na nakakarating kina First Gentleman Arroyo ang jueteng payola, masasabi umanong ‘hearsay’ lamang ang testimonya ng mga ito.

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Francis ‘Kiko’ Pangilinan na kung wala rin namang patutunguhan ang imbestigasyon, mabuti pang sa korte na lamang umano pahantungin ang sinasabing detalye ng mga saksi hinggil sa isyu ng jueteng.

Kabilang sa inimbitahan sina Archbishop Cruz, PNP chief Director Gen. Arturo Lomibao, DILG Sec. Angelo Reyes, PAGCOR chair Efraim Genuino, PCSO chief Sergio Valencia at Bohol Rep. Aumentado.

Kaugnay nito, sinabi ni Press Sec. at Presidential Spokesman Ignacio Bunye na handa ang First Family na humarap sa Senado kung hihilingin sa imbestigasyon.

Aniya, hindi ugali ni FG na umiwas sa mga isyu at humaharap ito kapag may imbitasyon.

"Sa palagay ko wala naman siyang (FG) itinatago at walang dapat itago," ani Bunye.

Ang pahayag ng Palasyo ay kasunod sa sinabi ni Sen. Lapid na hindi maliligtas ang Pangulo at FG kapag nabanggit ang kanilang pangalan sa mga idinadawit sa jueteng.

Samantala, kumikilos na umano ang mga galamay ng jueteng lord na si Bong Pineda upang ‘gapangin’ ang hanay ng media.

Ayon sa source, nagsasagawa na ng pagpupulong sa isang lugar sa Pasay City ang ilang tiwaling mediamen upang talakayin kung paano ‘di mababanggit ang pangalan ni Pineda sa mga maglalabasang ulat sa mga pahayagan kapalit umano ng halagang P30,000.

vuukle comment

ANGELO REYES

ARCHBISHOP CRUZ

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

ARTURO LOMIBAO

AYON

BISHOP CRUZ

BOHOL REP

BONG PINEDA

JUETENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with