Enrollment sa private colleges bumaba
May 29, 2005 | 12:00am
Bumaba ng 10 porsiyento ang populasyon ng mga college student na nag-enroll sa mga pribadong colleges at universities, ayon sa Commission on Higher Education.
Ayon kay Ched Commissioner Cristina Padolina, nasa 70 porsyento lamang ang tinatayang 2.6 milyong estudyante sa kolehiyo ang papasok sa pribadong Higher Education Institution (HEI). Ito ay mas mababa kumpara sa 80 porsyento ng populasyon sa kolehiyo na nag-enroll noong nakaraang taon.
Ani Padolina, marami umano ang hindi na nakayanan ang taas ng matrikula sa mga HEI kaya lumipat ang mga ito sa mga state colleges at universities. Sa NCR pa lang, 51 private HEI ang nagsabing magtataas sila ng tuition fee ngayong taon. Ang pinakamababang pagtaas na hiniling ay tatlong porsyento.
Mayroong 670,000 college students sa Metro Manila at ito ay one-fourth ng kabuuang populasyon ng mga estudyante sa kolehiyo sa bansa. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest