Ipinaliwanag ni Velarde na ang pagpapalaganap ng artipisyal na paraan ng family planning ay hindi magiging popular dahil patuloy na may impluwensiya ang Simbahan at relihiyon sa birth control practices ng mga Pilipino.
Patuloy na ipinipilit ng mga family planning advocates sa mga mag-asawang Pilipino ang paggamit ng pills, condom at iba pang artipisyal na paraan sa pagkontrol ng panganganak na nagiging sanhi lamang ng mga diskusyon at paghahati ng komunidad, ani Velarde.
"Hindi dapat ilimita ang isyu ng population management sa family planning dahil hindi ito ang nag-iisang dahilan sa kahirapan ng mga Pilipino," ani Velarde.
Aniya, ang oportunidad para sa edukasyon ng kababaihan, trabaho at tumataas na ekspektasyon sa ekonomiya ay iba pang isyu na nagdidikta sa population trend.
Sa halip na pahabain ang mga debate sa reproductive health, sinabi ni Velarde na dapat ay magtulungan na lamang sa pagpapatupad ng mga proyektong direktang tutugon sa pangangailangan ng populasyon. (Ulat ni Malou Rongalerios)