^

Bansa

Pills at condom 'di solusyon sa kahirapan

-
Sa kabila ng mainitang debate sa muling pagkabuhay ng kontrobersyal na panukala sa reproductive health, hinikayat ni Buhay partylist Rep. Rene Velarde ang pampubliko at pribadong sektor na tingnan ang ibang isyung nakakadagdag sa problema ng kahirapan sa bansa.

Ipinaliwanag ni Velarde na ang pagpapalaganap ng artipisyal na paraan ng family planning ay hindi magiging popular dahil patuloy na may impluwensiya ang Simbahan at relihiyon sa birth control practices ng mga Pilipino.

Patuloy na ipinipilit ng mga family planning advocates sa mga mag-asawang Pilipino ang paggamit ng pills, condom at iba pang artipisyal na paraan sa pagkontrol ng panganganak na nagiging sanhi lamang ng mga diskusyon at paghahati ng komunidad, ani Velarde.

"Hindi dapat ilimita ang isyu ng population management sa family planning dahil hindi ito ang nag-iisang dahilan sa kahirapan ng mga Pilipino," ani Velarde.

Aniya, ang oportunidad para sa edukasyon ng kababaihan, trabaho at tumataas na ekspektasyon sa ekonomiya ay iba pang isyu na nagdidikta sa population trend.

Sa halip na pahabain ang mga debate sa reproductive health, sinabi ni Velarde na dapat ay magtulungan na lamang sa pagpapatupad ng mga proyektong direktang tutugon sa pangangailangan ng populasyon. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ANIYA

BUHAY

IPINALIWANAG

MALOU RONGALERIOS

PATULOY

PILIPINO

RENE VELARDE

SIMBAHAN

VELARDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with