P 20 umento sa COLA barya lang
May 29, 2005 | 12:00am
Minaliit kahapon ng oposisyon ang ipinagkaloob ng gobyerno na umento sa cost of living allowance (COLA) ng mga nagtatrabaho sa pribadong sektor sa Central Luzon at Cordillera Autonomous Region.
Ayon kay Sen. Jinggoy Estrada, chairman ng senate committee on labor and employment, hindi rin mapapakinabangan ng mga manggagawa sa nasabing rehiyon ang dagdag na COLA dahil sa mas mataas pa ang itinaas ng presyo ng bilihin sa bansa.
"Its useless, hindi mararamdaman ng mga manggagawa iyan," ani Estrada.
Kinuwestiyon din nito kung bakit ang COLA ang dinadagdagan at hindi ang minimum wage ng mga nagtatrabaho sa pribadong sektor.
Aniya, lugi umano dito ang mga manggagawa dahil ang dagdag COLA ay hindi naman makakasama sa komputasyon ng overtime, bonus, 13th month pay at iba pang uri ng insentibo ng mga manggagawa.
Nauna rito, pinagkalooban ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang P20 increase daily COLA ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Region 3 at Cordillera Region.
Ipinagmalaki pa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na sa pagdagdag ng COLA, para na ring lumaki ang arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
Dahil dito, naghahanda na ang militanteng grupo na magsasagawa ng kilos-protesta dahil sa anilay di makatarungang pagbibigay ng P20 increase sa COLA at hindi sa inaasahang dagdag-sahod.
Sinabi ni Ferdie Gaite, pangulo ng grupong COURAGE na parang naghahamon ng gulo ang RTWPB sa nakakainsultong pagbibigay ng anilay barya na idinagdag pa sa COLA.
Kahapon base sa report ay inaprubahan na rin ang P15 dagdag-sahod sa mga manggagawa sa Cebu matapos ang apat na araw na deliberasyon. (Ulat nina Rudy Andal at Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest