Ayon kay Sen. Mar Roxas, ang pagbigay ng Fitch Ratings ng gradong "stable" mula sa negatibo nitong nakaraang Disyembre ay nagpapatunay lang na nasa magandang landas ang tinatahak ng ating bansa.
Negatibo ang marka ng Pilipinas nitong Disyembre dahil na rin sa hindi pa nasasabatas ang bagong tax measures partikular na ang Value Added Tax (VAT).
Pinaliwanag ni Roxas na dapat maging mapagmatyag ang gobyerno at kailangan ang isang makabuluhang pamamahala para hindi masayang ang magandang impresyon sa bansa at ang dapat na gawin ay agad na ipatupad ang mga generating bills para naman magamit ng taumbayan.
Aniya, magagamit natin ang rating para mangumbida ng mga foreign investors at nang sa ganoon ay makagawa ng maraming hanapbuhay para sa taumbayan. "Investors will come in if the government can establish a good business climate and see that it is serious in its efforts on good governance," dagdag ng senador. (Ulat ni Rudy Andal)