^

Bansa

Pinoy gays, OFWs na TNT sa Saudi tugis

-
Nanawagan kahapon ang Migrante Sectoral Party sa Malacañang na kumilos kaugnay sa isinasagawang crackdown laban sa mga bakla at undocumented overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia.

Ipinagtataka ni Connie Bragas-Regalado ng Migrante kung bakit tahimik ang gobyerno sa nagaganap na crackdown laban sa mga Pinoy sa Saudi Arabia.

Ayon sa grupo, hindi bababa sa 1,000 OFW at hindi masabing bilang ng mga bakla na nakakalat sa buong Saudi Arabia ang nabibiktima ng raid at pambubugbog doon.

Pinahigpit ng Saudi Arabia ang security at immigration procedures sa konteksto ng ‘war of terror’ ng Estados Unidos kaya naapektuhan ang mga OFWs.

Daan-daang OFWs din aniya ang stranded sa mga siyudad sa Riyadh, Jeddah at Al-Khobar. Ang mga nasabing OFWs ay tumakas umano sa kanilang mga abusadong employer kung kaya’t wala silang mga "igama" o work permits at pasaporte.

Karamihan din umano sa mga nasabing OFWs ay sinampahan ng mga gawa-gawang kaso ng pagnanakaw, pag-inom ng alak at pagiging bakla.

Lumabas na sa iba’t-ibang pahayagan sa Middle East ang paglulunsad ng raid ng Saudi government sa Riyad, Makkah, Taif at Jeddah noong Abril bilang bahagi ng kanilang ‘nationwide anti-crime campaign’.

Ayon pa sa grupo, umaabot sa 915,000 ang mga Pinoy na nagta-trabaho sa Saudi Arabia. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

AYON

CONNIE BRAGAS-REGALADO

ESTADOS UNIDOS

JEDDAH

MALOU RONGALERIOS

MIDDLE EAST

MIGRANTE SECTORAL PARTY

PINOY

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with