MTRCB chair kinasuhan sa Ombudsman
May 26, 2005 | 12:00am
Kinasuhan kahapon sa Office of the Ombudsman ni Ang Dating Daan presiding Minister Eliseo Soriano si MTRCB Chairperson Ma. Consoliza Laguardia at mga miyembro ng Adjudication Committee bunga ng pagiging "unfair, oppressive at discriminatory" matapos ang suspension ng kanilang mga programa sa television.
Ang reklamo ni Soriano ng Church of God International ay nag-ugat nang suspindihin ng MTRCB noong Mayo 12 ng 30 araw ang programang "Itanong Mo Kay Soriano", "Ex-man", "Ang Biblia" at "Ang Dating Daan".
Batay sa reklamo ni Soriano, paglabag umano sa constitutional right to freedom of press and religion ang ginawang suspensiyon ni Laguardia dahil hindi na rin umano makapagpalaganap ng religious information ang programang Ang Dating Daan.
Binawalan din ng MTRCB na magpa-interview ang sinumang miyembro ng programa sa media bukod pa sa hindi rin sila puwedeng mapanood sa anumang news program.
Bukod kay Laguardia, kinasuhan din ang mga opisyales ng MTRCB na sina Paulino Cases, Jr., Zosimo Alegre at Farley Aguila. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am