^

Bansa

ABS-CBN reporter may death threat

-
Isang sikat na reporter ng ABS-CBN na nagko-cover sa Camp Crame ang humingi ng tulong sa PNP matapos itong tumanggap ng death threat mula sa nagpakilalang makakaliwang grupo ng Alex Boncayao Brigade (ABB).

Si Augusto "Gus" Abelgas ng ABS-CBN channel ay personal na lumapit sa PNP’s Task Force Newsman dala ang package na naglalaman ng isang liham ng pananakot at isang bala ng cal. 38 caliber pistol.

Si Abelgas na host rin ng isang investigative program ng ABS-CBN na pinamagatang "Private I" kung saan ang mga binabanatan dito ay ang mga tiwaling pulis ay kolumnista rin sa pahayagang Pang Masa, kapatid na tabloid ng Pilipino Star Ngayon.

Nag-ugat ang pagbabanta sa buhay ni Abelgas matapos lumabas sa programa nitong "Private I" ang modus-operandi ng isang sindikato sa Angeles, Pampanga na nambibiktima ng mga dayuhan.

Sinasabing ilang mga tiwaling pulis ang nasagasaan sa naturang episode, kung saan isa sa mga galamay nito ang nahuli mismo ng NBI sa isinagawang entrapment operation.

Nakumpirmang sa post office sa Angeles galing ang naturang sulat.

Ang pagbabanta sa buhay ni Abelgas ay kasunod naman ng ambush kay Bulgar columnist Pablo Hernandez noong nakalipas na linggo. Nakaligtas si Hernandez sa insidente.

Sa tala ng PNP, 68 mediamen na ang napatay simula ng manumbalik ang demokrasya sa bansa noong 1986 at pinakamataas sa insidenteng ito ay ang 13 nairekord na pinaslang noong nakalipas na taon. (Ulat ni Joy Cantos)

ABELGAS

ALEX BONCAYAO BRIGADE

CAMP CRAME

JOY CANTOS

PABLO HERNANDEZ

PANG MASA

PILIPINO STAR NGAYON

PRIVATE I

SI ABELGAS

SI AUGUSTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with